Wednesday, December 14, 2011

In This Corner

"P'reng Mar, baka hindi natin kaya iyan.  Malaking mama pala at bata pa.  Akala ko mga justice ay matatanda na."

"Kaya mo iyan.  Apakan mo kaya sa paa gaya ng ginawa ni Marquez"

"Hindi ba bading iyun?"

"Hindi si Jose Midas, si Juan Manuel, yung kalaban ni Pacquiao."


"P'reng Mar, Batangueno iyan, delicado.  Baka maglabas ng balisong."

"Pambihira ka naman Noy.  E di gamitin mo rin yung brass knuckles na binigay ko sa iyo.  Gusto mo payari na lang natin sa mga bata natin."

"Baka hindi makisama ang mga iyun, lalo na yung Batangueno. Maasahan kaya natin?"

"Kung ayaw niyang upakan, e di pasensyahan tayo.  Marami pa namang maaasahan sa mga bata natin."

No comments:

Post a Comment